Friday, November 1, 2013

Ateneo de Davao, pasok sa SBP Passerelle finals

Dinomina ng Ateneo de Davao University ang Mindanao qualifying leg ng 2013 BEST Center SBP-Passerelle Twin Tournaments sa Almendras Gym tungo sa pagsunkgit ng silya sa national finals sa Nobyembre 23-24 sa Pampanga.


Tinalo muna ng Blue Knights ang Holy Trinity College of Gen. Santos City, 60-46, upang angkinin ang Passerelle division para sa 12- 14 anyos bago isinunod ang Xavier University of Cagayan de Oro City, 54-43, upang idagdag ang korona ng Small Basketeers of the Philippines (SBP) sa 9-11 anyos sa torneo sa Davao City.



Inasahan ng Ateneo ang 13-anyos at six-footer na si Joshua John Barrientos na gumawa ng buzzer-beating undergoal para sa 10-9 abante sa unang yugto bago sinimulan ni Lance Carr ang ikalawang yugto sa back-to-back basket na nagpasimula sa 15-0 bomba ng Blue Knights.


Nilimitahan din ng Ateneo ang Holy Trinity sa 4 puntos sa yugto na kinatampukan ng 5 steals ng point guard na si Leonardo Rafael Francisco.


Ipinagpatuloy ng Ateneo ang opensiba sa ikatlong yugto mula sa dalawang tres ni Paolo Coquilla upang itulak ang Ateneo sa 36-13 bentahe.


Pinilit ni Prince Alexis Etrata na ibangon ang Holy Trinity sa ikapat na yugto subalit dinipensahan nina Coquilla at Dariel Manliguez ang abante ng Ateneo sa paghulog ng huling 11 puntos ng koponan. Nagtala si Coquilla ng 12 puntos upang pamunuan ang Ateneo.


Namuno naman si Etrata sa itinalang 22 puntos para sa Holy Trinity na tumuntong sa regional finals sa unang pagkakataon sa Basketball Efficiency and Scientific Training (BEST) Center-organized tournament na inisponsoran ng Milo at suportado ng RCBC Saving Bank.


Binigo naman ng Claret School of Zamboanga ang Sacred Heart of Jesus Montessori of Cagayan de Oro, 60-42, para sa ikatlong puwesto. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ateneo de Davao, pasok sa SBP Passerelle finals


No comments:

Post a Comment