Friday, November 15, 2013

13 Vietnamese, huli sa illegal fishing

Labintatlong mangingisdang Vietnamese ang naaresto nang maaktuhang nangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.


Ayon kay Immigration Commissioner Siegfried Mison, ang mga dinakip ay namataang sakay sa isang Malaysian-registered vessel sa bahagi ng Barangay Mangsee sa Balabac, Palawan.



Bukod sa pagpasok sa teritoryo ng bansa nang hindi dumadaan sa immigration process, nahaharap din sa kasong poaching o ilegal na pangingisda ang mga dayuhan.


Sa ilalim ng batas, maaaring kumpiskahin ng gobyerno ang mga huling isda at kagamitan ng mga mangingisda maging ang kanilang fishing vessel.


Ang kasong poaching ay may multang P50,000 hanggang P200,000. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



13 Vietnamese, huli sa illegal fishing


No comments:

Post a Comment