Sunday, November 17, 2013

Nanggising ng tulog, tatay utas sa anak

MINSAN pang napatuyan ang kasabihang utusan mo na ang isang lasing huwag lang ang bagong gising.


Dahil sa panggigising, nagdilim ang paningin ni Noel Niepas at kanyang sinaksak ang sariling tatay na si Apolonio, 69, agad nitong ikinamatay.


Nang mahimasmasan sa krimen na ginawa, tumakas agad ang nakababatang Niepas at ngayon ay tinutugis na para panagutin sa krimen.


Naganap ang insidente alas-6 ng umaga sa bahay ng mag-ama sa Barangay Albangpuro sa Piouduran.


Bagi ito, ginising ng biktima ang suspek para magtrabaho na sana sa kanilang bukid subalit ikinagalit ito ng huli na humantong sa pagtatalo.


Sa gitna nito, kinuha ng suspek ang isang patalim at saka sinaksak ang biktima na nakatakbo pang palabas ng bahay.


Hindi pa nakuntento, hinabol pa ng suspek ang biktima at sinaksa sa kili-kili na ikinabuwal ng matanda.


The post Nanggising ng tulog, tatay utas sa anak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nanggising ng tulog, tatay utas sa anak


No comments:

Post a Comment