Sunday, November 10, 2013

Robinsons mall sa Tacloban, nilusob ng looters

NILUSOB na rin ng looters ang isa malaking shopping mall na sinalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.


Ayon sa ulat, sinugod ng mga nagugutom na residente at biktima ng bagyong Yolanda ang Robinson’s mall kagabi.


Hindi inalintana ng looters ang guwardiya ng mall na nagpaputok pa ng baril bilang warning shots.


Nilimas ang panindang pagkain sa loob ng shopping mall.


Maging ang automated teller machines (ATM’s) ay hindi rin pinapalampas ng mga biktima ng bagyo.


Kung maalala, unang pinasok ng looters ang Gaisano mall na inubos ang laman ng nasabing establisimiyento.


The post Robinsons mall sa Tacloban, nilusob ng looters appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Robinsons mall sa Tacloban, nilusob ng looters


No comments:

Post a Comment