Tuesday, November 26, 2013

‘Di pa rin maka-move on!

MEDYO lutang pa si Nikki Gil sa pagkakapanalo niya sa kauna-unahang pagkakataon sa PMPC’s Star Award for TV sa kategoryang Best Single Performance by An Actress para sa pagganap niya sa Ilog episode ng Maalaala Mo Kaya.


“Ay, siyempre. I’m just very thankful na sa industriya po natin, e, marami talagang magagaling. Maraming-marami po talaga. Kaya para mapansin ako ng PMPC napakalaking karangalan po talaga,” pahayag ni Nikki.


Magandang pambawi raw ang pagkakapanalo niya sa sakit na dulot ng break-up nila ng ex-boyfriend niya na si Billy Crawford.


“Sabi ni Lord, ‘Sakit? Eto’ng reward.’ Thank you. Hahaha!”


Wagi rin that night ang ex-BF niya na si Billy Crawford sa Star Awards for TV.


“Yes, congratulations rin,” matipid na sabi ni Nikki.


Hanggang ngayon pala ay hindi pa sila nag-uusap ni Billy.


“Ah, huwag na po muna. I just want to be real. Ah, siguro sa takdang panahon po.”


Pero hindi naman daw sila nag-iiwasan ni Billy.


“Hindi naman po dahil maliit lang naman po ang industriyang ginagalawan nating mundo, maliit lang talaga. Kung magkita, ganoon naman po talaga. Bakit naman kailangang mag-iwasan, ‘di po ba?”


Mami-miss ba niya si Billy ngayong Kapaskuhan?

“E, ano naman po, e, for the past Christmases lagi ko naman pong kasama ang pamilya namin. Ganoon naman po. So, hindi naman masyadong maiiba. Ganoon po talaga ang buhay. Patuloy ang agos,” ngiti ni Nikki.

-ooOoo-


MULING umani ng karangalan ang morning talk show ng Queen of Media na si Kris Aquino, ang Kris TV. Pagkatapos makapasok sa listahan ng nominees sa very prestigious na Asian Television Awards(ATA) si Kris bilang kaisa-isang nominado mula sa Pilpinas para sa Best Entertainment Presenter/Host, nanalo sa Star Awards for TV ang Kris TV for Best Celebrity Talk Show.


Nominado rin ang The X-Factor Philippines ng ABS-CBN sa ATA for Best Reality Show. Gaganapin ang awards night ng ATA sa Sentosa, Singapore on December 5. As of this writing, wala pa sa schedule ni Kris kung pupunta siya sa Singapore to attend the awards night.


For this week, puno na ang schedule ni Kris for Kris TV para sa live and taping ng morning show niya. Simula na rin ang bunso ni Kris na si Bimby sa TV guestings niya para sa promo ng first ever movie niya na “My Little Bossings with Vic Sottto and Ryzza Mae Dizon.


Go rin si Kris sa VIP opening ng SM Bf Homes. Sa Sabado naman ay magmu-move in na si Kris and her children sa kanilang bahay sa Greenmeadows. At sa Sunday, may promo sila ni Bimby for their mo- vie sa SM Marikina.


The post ‘Di pa rin maka-move on! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Di pa rin maka-move on!


No comments:

Post a Comment