Tuesday, November 26, 2013

Survival kit, mainam ipangregalo

Nanawagan si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga pribadong kumpanya at sa mga tanggapan ng gobyerno sa lungsod na survival kit na lang ang iregalo sa isasagawang exchange gift sa Pasko.


Ito ang mensahe ng alkalde sa ika-74 na anibersaryo ng Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal noong Lunes.



Aniya, mahalagang ang bawat bahay ay may survival kit dahil hindi nakasisiguro sa kaligtasan ang kahit sino ngayong matitindi ang kalamidad sa bansa na dulot ng climate change.


Ang survival kit ay dapat na maglaman ng kumot, tubig na may limang taong shelf life, flashlight, transistor radio, gamot at iba pang pangunahing kakailanganin sa oras ng peligro.


Samantala, nagkaloob ang pamahalaang lungsod ng modernong kagamitan at baril para sa 2,864 na tauhan ng QCPD. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Survival kit, mainam ipangregalo


No comments:

Post a Comment