Tuesday, November 26, 2013

Lovi Poe, may bagong best actress award mula sa mga guro

NADAGDAGAN na naman ang acting award ni Lovi Poe. Binigyan siya ng special recognition bilang lead artist ng Federation Of Associations of Private Schools and Administrators of the Philippines.


Ang federation ay partner ng Trimedia Awards na kung saan binigyan ng special recognition ang lead artist ng Titser na si Lovi. Binigyan din ng award ang Titser bilang excellence in television art, mini-series program. Pinalalabas ito sa GMA News TV channel 11.


Ang award ni Lovi sa Titser ay isa lang sa maraming natanggap ng Premyadong Aktresa ng GMA 7.


Kay Lovi pa rin, dahil sa pagmamahal sa acting career, nagpaputol ito ng buhok para sa pagbabalik ni Lovella sa Akin Pa Rin Ang Bukas.


Mapapanood na ngayong linggo ang pagbabalik ni Lovella sa mansiyon ng Villacorta, ang tanging tagapagmana ng angkan. Ibang Lovella na ang darating dahil ibang ayos at may maikling buhok na tipong palaban sa lahat ng unos sa buhay.


Kapanalig niya sa kanyang pagbabalik si Cesar Montano na gumabay sa kanya buhat nang siya’y maka-recover sa sakit at maligtas sa operasyon sa puso. Matapang at palaban na ngayon si Lovella dahil maigi na ang kanyang pangangatawan.


Una niyang haharapin ang mga umapi sa kanya, sina Charee Pineda at Rocco Nacino.

Mapapanood na ang mga palabang eksenang ito ni Lovi sa soap.


SANDY TALAG, BEST ACTRESS NG OAXACA FILM FESTIVAL PARA SA MOVIE NA LILET, NEVER HAPPENED


BINIGYANG karangalan ni Sandy Talag ang Pilipinas nang magwagi siya recently sa film festival sa Netherland, ang Oaxaca International Film Festival.


Napansin ng mga hurado ang kakaibang acting ni Sandy sa pelikulang Lilet, Never Happened.


Pelikulang ginawa sa Pilipinas na ang bida ay ang 11 year-old na si Sandy. Maraming nag-audi- tion sa role pero si Sandy ang napili dahil sa kanyang natatanging galing sa pag-arte.


Ngayo’y kasama siya ng buong staff at director ng movie na umiikot sa buong mundo para isali ang pelikla sa competition. Challenging sa child actress ang movie dahil dito niya naipakita ang galing niya sa pag-arte bilang isang child prostitute.


Two years ago nang natapos ang pelikula ni Sandy pero iba ang nagawa ng Lilet sa acting career niya dahil na-recognize ang kagalingan niya sa pag-arte.


Si Sandy ay third year high school na ngayon sa St. Martin School sa Guiguinto, Bulacan.


‘DI PA PRIORITY ANG USAPANG KASALAN


‘DI pa raw priority ni Heart Evangelista na pag-usapan sa kanyang buhay ang kasal. Mas priority niya ngayon ang kanyang showbiz career.

May soap siyang pinagkakaabalahan na balita namin ay ipapalabas hanggang sa isang taon pa.


Ang sinasabi ni Heart na madalas ay wala pang proposal si Sen. Chiz Escudero sa kanya. Ang ma- halaga kay Heart ay ‘di siya minamadali sa ngayon ni Sen. Chiz sa usapang kasalan.


Gusto lang ma-enjoy ni Heart ang kalayaang natamo niya mula sa kanyang protective parents.


Ang priority ni Heart ngayon ay trabaho niya sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? Maganda ang reviews at ratings ng show kaya ganado si Heart dahil ibang character ang pinu-portray niya rito.

Napakasal siya sa lalaking abnormal ang pag-iisip, semi-retardate, role ni Dominic Roco.


Ang talagang partner niya ay si Sid Lucero, ang dati niyang suitor na ngayon ay friends na lang silang dalawa. Sa istorya, nabubuking na ang simpleng relasyon ng dalawa na tagong-tago dahil married na si Heart.


Ano kaya ang kahihinatnan ng kanilang love affair?


The post Lovi Poe, may bagong best actress award mula sa mga guro appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lovi Poe, may bagong best actress award mula sa mga guro


No comments:

Post a Comment