Monday, November 11, 2013

Dengue alert sa South Cotabato

Inalerto ng Department of Health (DoH)-Region 12 ang puwersa nito sa South Cotabato makaraang maitala ang pinakamaraming kaso ng dengue sa lalawigan.



Ayon kay Disease and Surveillance Officer Cecile Lorenzo, bagamat kakaunti ang fatality ngayong Nobyembre, nakapagtalaga naman ng mahigit 2,600 kaso ang South Cotabato kaya pinag-iingat rin ang mga residente sa probinsiya.


Panawagan ni Lorenzo sa mamamayan na sundin ang 4S: Search and destroy sa mga breeding ground ng lamok; Seek early medical consultation; Say no to indiscriminate fogging; at Self-protection o ang pagsusuot ng mahabang sleeve at pantaloon upang hindi makagat ng lamok. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dengue alert sa South Cotabato


No comments:

Post a Comment