Monday, November 11, 2013

AGENDA FOR SUSTAINED, INCLUSIVE GROWTH


Sa ika-39 Philippine Business Conference (PBC), ang pinakamalaking pagtitipon ng mga negosyante sa bansa noong Oktubre 22-24, 2013 sa makasaysayang Manila Hotel, inaprubahan ang 41-point resolution na humihimok sa gobyerno na tiyakin na ang paglago ng ekonomiya ay makaaabot sa mga katutubo upang matamo ang inclusive growth, na nakatadhana sa tema ngayong taon na “One. Global. Filipino Unleashing the TIGER Economy (Towards Integration, Growth and Economic Resiliency).



Ang mga resolusyon – na nakatuon sa global competitiveness sa harap ng Association of Southeast Asian Nations economic integration pagsapit ng 2015 – ay nakatuon sa pagtataguyod ng agrikulturang pinakikilos ng turismo sa pamamagitan ng entrepreneurial o organic farming at Internet café operations sa farm communities; pinabilis na pag-iisyu ng mga lisensiya at permit upang maresolba ang kakapusan ng imprastraktura, ang mataas na gastusin sa kuryente; pagssaayos ng curricula upang lumapat ang kahusayan ng mga manggagawa sa mga pangangailangan ng mga negosyo; ang leveling ng playing field ng maliliit na utility sa sektor ng enerhiya; at pagrepaso ng mga batas para sa kalikasan.


Nanawagan ang pribadong sektor ng isang pagrepaso ng taxing powers ng privincial, city, at municipal governments upang maiwasan ang kalituhan; paigtingin ang e-governance upang magkaroon ng mas malawak na pamamahagi ng impormasyon; prayoridad para sa Information and Communications Technology projects; at isang policy frameworkd para sa responsableng pagmimina.


Iginiit din nito ang parallel development ng Clark International Airport bilang Northern at Central Luzon gateway at ang Ninoy Aquino International Airport bilang Metro Manila at Southern Luzon gateway; ang pagpapaunlad o rehabilitasyon ng mga barangay road, iniuugay ang mga ito sa mga main road network; pagkakaloob ng pautang para sa maliliit na negosyante at magsasaka; at pagpapahusay ng regulasyon ng adventure-tourism activities. Ilan lamang ito sa principal points ng 41 resolusyong inaprubahan sa komperensiya.


Binabati natin ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa pangunguna nina Chairman Alfredo M. Yao, President Atty. Miguel B. Varela, iba pang opisyal at miyembro sa kanilang pakikipag-agapayan sa pamahalaan na magbalangkas ng competition policy na titiyak sa maximum na benepisyo para sa maralitang komunidad sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



AGENDA FOR SUSTAINED, INCLUSIVE GROWTH


No comments:

Post a Comment