Monday, November 4, 2013

Deadline ng SOCE submission sa Nov. 27 na

IPINAALALA ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na puwedeng maharap sa kaso ang mga kandidatong tumakbo noong October 28 barangay elections na hindi makapagsusumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).


Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, talo man o panalo kailangang magsumite ng SOCE ang bawat kumandidato hanggang November 27.


Dagdag pa ni Jimenez, kailangang nakapagsumite ng itemized at totoong SOCE isang buwan matapos ang election.


Ang sinumang lalabag sa nasabing kautusan, maaaring maharap sa parusang pagkakakulong ng hindi bababa ng anim na taon, diskuwalipikasyon sa paghawak sa anumang puwesto at suspensiyon sa karapatang bomoto.


The post Deadline ng SOCE submission sa Nov. 27 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Deadline ng SOCE submission sa Nov. 27 na


No comments:

Post a Comment