Monday, November 4, 2013

Seguridad sa Senado nakakasa para kay Napoles

NAKAKASA na ang seguridad para sa pagharap ni Janet Lim-Napoles sa Huwebes, Nobyembre 7 para sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng P10-billion pork barrelscam.


Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Retired Major General Jose Balajadia Jr., mula sa Fort Sto. Domingo sa Laguna, ang Philippine National Police (PNP) ang tanging mangangalaga sa seguridad ni Napoles.


Pagdating naman sa Senado, ang sergeant-at-arms na ang nakatoka kay Napoles bagama’t may koordinasyon pa rin sa PNP.


Tiniyak ni Balajadia ang pagiging istrikto sila lalo’t isang high-risk profile si Napoles.


Bukod naman kay Napoles, mahigpit din ang gagawing pagbabantay sa mga whistleblower na pinangungunahan ni Benhur Luy.


The post Seguridad sa Senado nakakasa para kay Napoles appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Seguridad sa Senado nakakasa para kay Napoles


No comments:

Post a Comment