Thursday, November 14, 2013

‘Day of lament and hope’ panawagan ni Cardinal Tagle

IPINANAWAGAN ngayon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng Pilipino na manalangin at mag-ayuno bilang pakikiisa sa paghihirap na dinaranas ng mga biktima ng bagyong Yolanda.


Sa pastoral letter na inilabas ni Cardinal Tagle, idineklara niya ang araw ng Sabado, Nobyembre 16 bilang “Day of Lament and Hope” o Araw ng Panaghoy at Pag-asa.


Kasunod nito, inimbitahan ni Cardinal Tagle ang lahat na dumalo sa isang prayer service at Holy Hour na gaganapin bukas ng gabi sa San Fernando de Dilao Parish sa Paco, Maynila.


Kung maalala, sinabi ng kardinal sa mga biktima ng bagyo na huwag isiping sila ay nag-iisa.


Sa naging mensahe ni Cardinal Tagle sa mga biktima ng bagyo, ang kalamidad ay panahon ng pagtutulungan, panahon ng pagdadamayan at pagkalinga sa bawat isa biktima man o hindi.


Hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na ipadama ang pagmamahal sa kapwa na hindi kayang ibuwal ng anumang lindol at bagyo.


Aniya, sa pamamagitan ng walang kapantay na pagmamahal ay manunumbalik ang pag-asa at tuluyang makabangon ang mga biktima ng bagyo maging ang bansa.


The post ‘Day of lament and hope’ panawagan ni Cardinal Tagle appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Day of lament and hope’ panawagan ni Cardinal Tagle


No comments:

Post a Comment