Thursday, November 14, 2013

HINDI LANG SA TACLOBAN AT ROXAS

Nakipag-agapayan ang iba’t ibang bansa sa pamahalaan ng Pilipinas at sa Red Cross upang masagip ang mga survivor

sa pinakamapaminsalang super typhoon na kumitil sa mahigit 10,000 buhay.



Ilang araw pagtatapos humagupit ang super typhoon na si Yolanda, sa sentro ng Pilipinas, nangagkalat sa mga lansangan ang mga bangkay ng ating mga kababayan. May 22 bansa, pati na ang mga miyembro ng European Union at Taiwan ang nangakong tutulong, kabilang ang relief goods, rescue teams at kasangkapan sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.


Matapos magdeklara ng State of National Calamity at nang Makita ang sinapit ng mga rehiyon sa Visayas, sinisi ni Pangulong Noynoy Aquino ang kakulangan ng preparasyon ng mga lokal na pamahalaan.


Ngunit hindi ako sang-ayon sapagkat ang mga opisyal sa aking home province na Aklan, sa pamumuno ni Gov. Joeben Miraflores, ay nagging handa hindi lamang sa pag-aalerto ng mga Aklanon sa pamamagitan ng media kundi pati na ang harapin niya ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal at iba pang kaugnay nito.


Halos lahat ng lugar sa Central Philipines ay hinagupit ni Yolanda. Sino ba naman ang maaaring tumindig sa matinding bangis ng pinakamalubha at nakamamatay na puwersa ng kalikasan na tumama sa siyam sa 16 na rehiyon ng bansa? Sabi nga ni Atty. Allen Salas Quimpo, pangulo ng Aklan-based Northwestern Visayas Colleges na tumulong kay Gov. Miraflores sa mga preparasyon ng mga lokal na residente, “Ito ay isang hindi mailarawang galit ng kalikasan.” Sinabi ni Quimpo, ilang araw bago tumama si Yolanda sa Aklan, sa mga mag-aaral ng NVC na magsiuwi at tumulong sa kanilang mga magulang na paghandaan ang pagdating ng pinakamatinding super typhoon sa kasaysayan.


Kailangang tumulong tayo sa pagbangon ng mga lalawigang ginapi ng unos. Umaasa ako na makikibahagi ang media sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan, hindi lamang sa Tacloban at Roxas.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HINDI LANG SA TACLOBAN AT ROXAS


No comments:

Post a Comment