Sunday, November 3, 2013

Dalagita, nasawi sa sunog sa Fairview

Nasawi ang isang 15-anyos na babae makaraang masunog ang kanilang bahay sa Republic Avenue sa Fairview, Quezon City, madaling araw kahapon.


Kinilala ang nasawi na si April Dela Rosa. Base sa report, dakong 2:00 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga Dela Rosa, at agad na lumabas ng bahay ang biktima.



Ngunit sa gitna ng pagliliyab at nagbalik sa bahay ang dalagita upang kuhanin ang mahahalagang gamit, ngunit hindi na siya nakalabas.


Ayon kay Quezon City District Fire Marshall Supt. Jess Fernandez, walang kuryente sa lugar nang mangyari ang sunog at posibleng isang nakasinding gasera o kandila ang pinagmulan ng apoy. Nag-iimbestiga pa ang Bureau of Fire Protection (BFP) para alamin ang sanhi ng sunog. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dalagita, nasawi sa sunog sa Fairview


No comments:

Post a Comment