Sunday, November 3, 2013

Walang tax break—Malacañang

Walang maaasahang tax break mula sa gobyerno ang mga mamamayan, ayon sa Malacañang.


Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na walang balak ang gobyerno na magpatupad ng tax break tulad ng isinusulong ng ilang grupo na dismayado sa paglulustay umano ng bilyong pisong halaga ng pork barrel fund.



“Those proposing such idea should think long and hard. First of all, taxes are the lifeblood of the economy. A huge percent of the national budget is funded by taxes paid by the citizens,” sinabi ni Coloma sa panayam ng DZRB.


Ilang grupo, na nagpahayag ng pagkadismaya sa pagdepensa ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa pork barrel system, ang nanawagan sa pagpapatupad ng tatlong buwang tax holiday upang maiwasang ibulsa ng mga tiwaling pulitiko ang kanilang ibinabayad na buwis.


Itinuring ni Coloma ang panukala bilang gawa-gawa ng ilang “makikitid ang utak” na dahil lang dismayado sila sa pork barrel scam.


“They should study the proposal (of tax holiday) because it will not be beneficial. It will be the people, especially the poor who are recipients of government funds, will end up hurt,” aniya.


Giit pa ng opisyal, maliit lang ang pondong nasangkot sa pork barrel scam kung ikukumpara sa malaking halaga ng pera ng bayan na itinutustos sa mga proyekto ng gobyerno. – Genalyn D. Kabiling


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Walang tax break—Malacañang


No comments:

Post a Comment