Sunday, November 3, 2013

TV network execs, problemado sa sinaunang show ng TV host/actress

Ni Reggee Bonoan


Blind Item HINDI na kami magtataka kung hindi na aabutin man lamang ng 13 weeks 0 isang season ang programa ng sikat na TV host/ actress dahil bagsak ito sa ratings game simula nu’ng umere.


Ito raw ang malaking problema ngayon ng executives ng network, hindi makaalagwa sa ratings game ang show ng sikat na TV host/ actress at maging ang feedback ng ilang nakapanood na nito ay hindi rin maganda.



Kung may pumuri man daw ay iilan lang at paniguradong kaibigan lang ng TV host/ actress, pero ayon sa mga ordinaryong nanonood ay wala raw dating dahillumang-Iuma ang konsepto.


“Dapat kasi palitan nila ang direktor kasi luma na ang ideas niya, nag-improve ang lighting pero ang concept ng show, waley ateng, luma as in, parang 80s pa,” paliwanag sa amin ng isa sa mga bossing ng network.


Kaya panay daw ang painterview sa TV host/ actress tungkol sa show niya para umingay, pero wala pa rin daw nangyayari dahil sinauna at hindi nga maganda ang konsepto ng programa at higit sa lahat, “Parang hindi naman si ya naggo-grow, halatang tinatamad naman na yata,” katwiran pa ng aming kausap.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



TV network execs, problemado sa sinaunang show ng TV host/actress


No comments:

Post a Comment