Tuesday, November 19, 2013

Dalagita binoga ng nagselos na ginang sa Pasay

SA ikalawang pagkakataon, pinagtangkaan ng 24-anyos na ginang ang buhay ng menor-de-edad na canteen helper nang barilin sa dibdib ang biktima bunga ng hinalang may relasyon ito sa kanyang ka-live-in kaninang madaling-araw sa Pasay City


Naglalakad patungo sa isang botika sa Sto. Niño St. upang bumili ng gamot si Bhea MacArthur, 16, ng Barangay Bagong Sicat, Parañaque City nang harangin ng suspek na si Aiza Naga ng Aguara St., alas-3 ng madaling-araw at kaagad na pinaputukan ng hawak na hindi pa batid na kalibre ng baril sa dibdib.


Bagama’t sugatan, nagawa pang maitulak ng biktima si Naga bago pa man muling maiputok ang baril at kaagad na nagtatakbo patungo sa pinakamalapit na police station upang humingi ng tulong.


Kaagad namang dinala ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 ng Pasay police sa Pasay City General Hospital ang biktima upang malapatan ng lunas habang pinuntahan naman ni SPO Ador Estera ang lugar na pinangyarihan ng pamamaril upang dakpin si Naga subalit nakatakas na ang suspek.


Sa ginawang imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, una nang sinaksak kamakailan ni Naga ang biktima na naganap sa Parañaque sa hinalang nakikipagmabutihan ito sa kanyang kalive-in na nakilala lamang sa alyas Jamar.


Sa unang insidente ng pananaksak, sinampahan ng kaso ni MacArthur ang suspek na kasalukuyan pang nakabimbin sa korte sa Parañaque City.


The post Dalagita binoga ng nagselos na ginang sa Pasay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dalagita binoga ng nagselos na ginang sa Pasay


No comments:

Post a Comment