Tuesday, November 19, 2013

Ipinoprotestang barangay officials, makikinabang sa ‘Yolanda’

Kung mayroon man makikinabang sa pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ sa Eastern Samar noong Nobyembre 8, ito ay ang mga nahalal na opisyal ng barangay noong nakaraang buwan na may kinakaharap na election protest.


Ipinaliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na malabo na kasing mapatalsik sa puwesto at mabawi pa ang proklamasyon sa mga opisyal ng barangay na kinukuwestiyon ang pagkakapanalo, lalo na kung walang maipakikitang ebidensiya na hindi sila ang tunay na nahalal noong Oktubre 28, 2013.



Ilan sa mga maaaring gamiting ebidensiya laban sa mga opisyal ng barangay na may election protest ang mga balota at mga election return (ER).


Ngunit ang mga nasabing balota at ER ay tiyak nang kabilang sa mga napinsala ng malakas na bagyo noong Nobyembre 8.


Matatandaang maging ang mga tanggapan ng gobyerno sa Eastern Visayas ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng Yolanda.


Sinabi naman ni Brillantes na nasa proseso pa ang Comelec ng pag-account sa mga election document at records sa mga field office ng komisyon sa mga lugar na sinalana ng bagyo. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ipinoprotestang barangay officials, makikinabang sa ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment