Tuesday, November 19, 2013

Anibersaryo ng Maguindanao massacre gugunitain ng NPC at mga kaanak

NAKAHANDA na ang buong puwersa ng National Press Club (NPC) sa paggunita sa ika-apat na taon sa malagim na pagkakapatay sa mga biktima ng Maguindanao massacre.


Ayon kay Benny Antiporda, Pangulo ng NPC muling ipahahayag ng mamamahayag ang kawalan ng katarungan sa pagkakapatay sa mga journalist at ipahahayag ang kanilang sentimyemto sa mabagal na usad ng hustisya para makamit ang katarungan hinggil sa naganap na Maguindanao massacre.


Samantala ngayon pa lang naghahanda na rin ang mga pamilya at kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa gagawing aktibidad hinggil sa paggunita ng ika-4 na taong anibersaryo ng malagim at karumal-dumal na krimen.


Ang mga kaanak, kasama ang iba pang mga naulila ng 58 mga biktima ay magtutungo sa massacre site sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan Maguindanao bukas, Huwebes at sa Nobyembre 23.


The post Anibersaryo ng Maguindanao massacre gugunitain ng NPC at mga kaanak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anibersaryo ng Maguindanao massacre gugunitain ng NPC at mga kaanak


No comments:

Post a Comment