Wednesday, November 20, 2013

Cristine, ‘di naramdaman ang lips ni Gabby

CRISTINE Reyes


PROPESYONAL si Cristine Reyes, dahil hindi raw siya tinatamaan sa love scenes nila ni Gabby Concepcion sa pelikulang When The Love Is Gone under Viva Films na mapapanood na sa Nobyembre 27.


Inamin kamakailan ni Gabby na lalaki lang siya at normal na may mga nararamdaman sa mga eksena nila ni Cristine, kaya siniguro niyang one size smaller ang suot niyang underwear.



Pero ang dalaga?


“Ako, kung nasarapan? Hindi talaga kasi ‘yung ganu’n eksena medyo uncomfortable ako,” mabilis na sagot ng aktres.


Paano niya naibibigay ang tamang pag-arte na hiningi ni Direk Andor Ranay?


“Tinatanong din sa akin ‘yan ng pamilya ko, like sabi nila, ‘Eh, paano ‘yun ‘pag ginagawa mo na ‘yun?’ Sabi ko, ‘Wala, e, kailangan kong gawin, trabaho ko ‘yun, e’. So pipikit na lang, iisipin ko ‘yung character ko,” paliwanag ni Cristine.


Aminado ang dalaga na nailang siya sa love scenes nila ni Gabby.


“Nailang ako, sobra, nakakailang siya, maski nga kausap ko lang, naiilang na ako, what more pa ‘yun (love scenes),” aniya.


Pero nu’ng si Derek Ramsay daw ang kaeksena niya sa No Other Woman ay na-develop ang crush niya sa aktor.


“Hindi ko pa siya crush noon, na-develop lang, during that time (love scenes), parang walang ilangan, kasi maharot ‘yung lalaking ‘yun, everytime na may eksena kami, hindi puwedeng hindi kami mag-asaran.


“So kumomportable na kaagad, na different naman kay Gabby, kasi si Gabby is Gabby Concepcion na kapag nakikita ko siya minsan, ang hirap isipin na siya ‘yung lover ko, na siya si Eman na mahal na mahal ko.


“So, hindi ako nahirapan kay Derek, mas nahirapan ako kay Gabby, kasi ano, Gabby Concepcion, di ba?” ani Cristine.


Good kisser ba si Gabby?


“Yeah, pero hindi ko maramdaman ‘yung lips niya sa sobrang nipis,” natawang sabi ng dalaga.


May kilig ba siyang naramdaman?


“Okay lang,” kaswal na sagot niya.


Magkakaroon ng international screening ang When The Love is Gone simula sa Disyembre 6 at magkakaroon naman ng premiere night sa Nobyembre 26 sa Greenbelt Theater. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cristine, ‘di naramdaman ang lips ni Gabby


No comments:

Post a Comment