Wednesday, November 20, 2013

Makati City schools, humataw sa achievement test

Inilampaso ng mga pampublikong paaralan sa Makati City ang mga private school sa National Achievement Test (NAT) para sa grade six at fourth year high school student ngayong 2013, base sa resulta na inilabas ng Department of Education-National Education Testing and Research Center (DepEd-NTERC).



Sinabi ni Makati City Mayor Jejomar Erwin S. Binay na lubos niyang ikinatuwa ang magandang ipinakita ng mga estudyante ng Makati public schools sa NAT. “Such achievements serve to validate and reward the continuing

commitment of the city government to providing the youth of Makati with quality education,” ani Binay.


Sinabi ni DepEd-Makati officer-in-charge Dr. Dominico Idanan na nakakuha ang mga pampublikong paaralan sa Makati ng mas mataas na mean percentage score (MPS) average sa elementary level, 64.30 porsiyento kumpara sa 55.35 porsiyento ng mga pribadong eskuwelahan.


Sa high school level, nakakuha ang mga public school sa siyudad ng 63.06 porsiyento, habang ang private school ay nagtala ng 54.87 porsiyento.


Nanguna ang Makati Science High School (MSHS) na nakakuha ng pinakamataas na MPS average na 82.07 porsiyento. Nanguna ang MSHS sa lahat ng NAT subject area—Mathematics (84.47 porsiyento), Araling Panlipunan (84.37 porsiyento), English (84.22 porsiyento), Filipino (78.99 porsiyento), Science (75.22 porsiyento), at Critical Thinking (67.84 porsiyento).


Sa elementary level, nakapasok ang mga paaralan sa Makati sa top 10 sa NAT—walong pampublikong paaralan at dalawang private school.


Sinabi ni Indanan na dahil sa nakabibilib na performance ng mga eskuwelahan sa Makati, karamihan ay pampublikong paaralan, nasungkit ang Number One position-over all ng Divisions of City Schools ng Makati sa 2013 NCR-Division Ranking para sa mga pampubliko at pribadong paaralan. – Anna Liza Villas-Alavaren


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Makati City schools, humataw sa achievement test


No comments:

Post a Comment