Thursday, November 14, 2013

Crisis alert level sa Egypt, ibinaba na ng DFA

Ni Roy Mabasa


Ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang Crisis Alert Level para sa Egypt mula sa 4 (Mandatory Repatriation/ Evacuation) sa 3 (Voluntary Repatriation).



Ayon sa DFA, ito ang naging pasya si Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario matapos matanggap ang rekomendasyon ng Philippine Embassy sa Cairo tungkol sa bumubuting sitwasyon sa politika at seguridad sa bansa.


Gayunman, suspendido pa rin ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa, gayundin ang pagpapabalik sa Egypt ng mga nagbabakasyong manggagawa, mga asawa ng mga Egyptian, Islamic University students at kanilang mga dependent.


Sinabi ng DFA na batay sa tala noong Nobyembre 12, may kabuuang 163 Pilipino sa Egypt ang naipauwi.


Inatasan din ni Secretary del Rosario ang Embassy sa Cairo na patuloy na ayudahan ang nalalabing 6,000 Pilipno sa Egypt.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Crisis alert level sa Egypt, ibinaba na ng DFA


No comments:

Post a Comment