Thursday, November 14, 2013

Camille, boto kay Isabel para kay John

Camille, Mell, Isabel at John


Ni Mell Navarro


BOTONG-BOTO si Camille Prats kay Isabel Oli, ang current girlfriend ng kapatid niyang si John Prats.


Dumalo si Camille, kasama ni Isabel (and other friends of John) sa premiere night ng Sitio, ang first indie film ni John, directed by Mes de Guzman, sa Glorietta 4 Cinema noong Lunes, Nobyembre 12.



Ang laki na rin ng ipinayat ni Camille, na nananatili ang kagandahan. Medyo lumusog nga kasi si Camille nu’ng magkaasawa at magkaanak, pero back in good shape na uli ang pretty actress.


Nang tanungin namin si Camille kung boto ba siya sa kanyang future hipag na si Isabel, ang mabilis na sagot niya, “Oo naman, mabait ‘yan si Isabel!”


Kitang-kita rin namin kung gaano ka-happy that night si John sa piling ni Isabel, na simple lang ang ayos. Open book ang naging love story ni John sa iba’t ibang past relationships niya, and hopefully, this time, si Isabel na ang makakatuluyan niya.


“First time kong mag-indie dito sa Sitio, na matagal ko na dapat ginawa. Nakakauhaw at gutom sa mga kakaibang story materials na hindi ko nagagawa sa mainstream cinema,” say ni John.


Isa ang Sitio sa labinlimang indie films na kalahok sa ongoing na Cinema One Originals 2013, from November 11-19 ang showing sa Trinoma, Glorietta 4, and Robinsons Galleria Cinemas.


Tampok din sa pelikula sina Arnold Reyes, Biboy Ramirez, Ria Garcia, at iba pa.


Magkasamang dumating at magkasama ring umalis ng sinehan sina John, Isabel, Camille, and friends. Ramdam na ramdam ang saya ni John sa presence ng siyota sa espesyal na gabi para sa kanya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Camille, boto kay Isabel para kay John


No comments:

Post a Comment