Sunday, November 17, 2013

Construction worker na ‘di pinasweldo tangkang tumalon mula sa 8th/flr na condo

ISANG construction worker ang nagtangkang tumalon mula sa ika-walong palapag ng Sofia Tower sa Roces Ave., Quezon City.


Ayon sa rescue team ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-12:00 ng tanghali kahapon nang magsimulang umakyat at magtangkang tumalon mula sa ika-apat na palapag ng gusali ang 29-anyos na lalaki.


Kinagabihan, lumipat ang lalaki sa ika-walong palapag at pumwesto sa biga o outer beam ng condominium.


Nabatid na inirereklamo ng lalaki na hindi pa sila pinasusweldo sa trabaho dahilan upang hindi siya makauwi sa kanyang pamilya sa Tanauan, Laguna.


Sinubukan ng rescuers na lapitan at kausapin ang lalaki subalit nagbabanta pa rin itong tatalon.


Hiniling ng lalaki na makausap ang kanyang misis na ngayon ay papunta na sa Quezon City mula sa Laguna upang kumbinsihing bumaba ang mister mula sa condominium.


The post Construction worker na ‘di pinasweldo tangkang tumalon mula sa 8th/flr na condo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Construction worker na ‘di pinasweldo tangkang tumalon mula sa 8th/flr na condo


No comments:

Post a Comment