Sunday, November 17, 2013

KUNG ANO LANG ANG IMPORTANTE

MADALI LANG kabisaduhin: KUNG ANO LANG ANG IMPORTANTE. Ulitin natin: KUNG ANO LANG ANG IMPORTANTE. Kapag masyado nang nangangarag at di na magkandaugaga kung ano ba ang dapat gawin, maganda na atin ‘yang gamitin.



Halimbawa, kung nagkaroon ng biglaang paglikas, kagaya ng nangyari nitong nakaraang bagyong Yolanda: Isipin kung ano lang ang importante. Kung dalawa lang ang pagpipilian, madaling pumili. Pero kung marami, nakalilito, hindi mo alam kung ano’ng uunahin. Kaya magandang alalahanin kung anu-ano lang talaga ang importante sa mga ginagawa natin, sa trabaho natin, sa buhay natin. Sa ganoon makikita natin kung alin-alin lang ang dapat unahin, ang dapat na priority natin.


Dahil sa technology, naging komplikado na ngayon ang araw-araw na buhay natin. Wala namang cell phone dati at nabuhay naman tayo nang normal. Pero ngayon, hindi lang nakasagot kaagad ang ka-textmate, kung anu-ano na ang naiisip natin. Tapos, may pambili tayo ng load pero walang pambili ng bigas. Kaya, utang muna, pasensiya na.


Dahil sa technology, umunlad din nang husto ang pandaigdigang palengke. Marami na ngayong mga kagamitan na mabibili sa napakamurang halaga. Siyempre, siguradong Made in China. Ngayon, dahil tuwang-tuwa naman tayo na “nakamura” tayo—at parang ibig sabihin, “wais” tayo, bibili naman tayo ng kung anu-ano. Makikita mo na lang, wala ka nang mapaglagyan sa loob ng kuwarto, o sa kusina, o sa sala, o sa buong bahay. Buweno, kung nakakatulog ka pa nang mahimbing sa magulong silid, ayos lang, kapatid.


Kung alam natin kung anu-ano lang ang mga importante sa atin, siguradong magkakaroon tayo ng mas maraming oras, mas maayos na paligid, mas malinaw na pagiisip. Kaya, pagdating ng emergency, kapag tinanong natin ang sarili kung

ano lang ang importante, hindi tayo magkakandarapa. Kung kakanan ba o kakaliwa, aakyat ba o bababa, sisigaw ba o tatakbo kaya, o kung—Ano ba talaga, kuya?!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KUNG ANO LANG ANG IMPORTANTE


No comments:

Post a Comment