Saturday, November 16, 2013

Congressional Medal para kay Ariella, alanganin pa

Ni Charissa M. Luci


Congressional Medal of Distinction kay Miss Universe Third Runner Up Ariella Arida.


Sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. na kokunsultahin muna niya ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso tungkol sa paggagawad ng congressional award sa 24-anyos na beauty queen mula sa Laguna, na nakipagsabayan sa 85 iba pang kandidata sa 2013 Miss Universe pageant sa Moscow, Russia noong Nobyembre 9.



“I have to consult the others where do we draw the line. Ako, in favor to give her recognition, but it needs group guideline and we have to check precedents also,” sabi ni Belmonte sa isang panayam.


Sinabi rin ni Speaker na hindi niya masasabi kung maipagkakaloob nila kay Ariella ang kaparehong pagkilala na ibinigay nila kay Miss World 2013 Megan Young, ang unang Pilip ina na nakakuha ng nasabing titulo sa nakalipas na 63 taon ng pageant.


Noong Oktubre 16, pinagtibay ng Kongreso ang House Resolution 368, na nagkakaloob ng Congressional Medal of Distinction kay Megan. Ang resolusyon ay inakda ng Speaker, nina Majority Leader Neptali Gonzales II, at Minority Leader Ronaldo Zamora.


Hiniling nina Deputy Majority Leader Sherwin Tugna Ariella ng Citizens Battle Against Corruption Party-list at Marikina City Rep. Miro Quimbo, chairman ng House Committee on Ways and Means, sa pamunuan ng Kongreso na kilalanin ang tagumpay ni Ariella, sinabing gaya ni Megan, ipinamalas ng dalaga ang fighting spirit ng mga Pilipino.


“Despite not winning the Miss Universe title and settling for third runner up, we should feat her in the House of Representatives for her competitive and fighting spirit alone. Her fighting spirit reflects the indomitable Filipino

spirit,” sabi ni Tugna.


Inialay ni Ariella, ikaapat na Pinay na pumuwesto sa Top 5 ng Miss Universe sa nakalipas na apat na taon, ang kanyang tagumpay sa mga Pilipinong matinding naapektuhan ng pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ sa Visayas noong

Nobyembre 8.


Ang 25-anyos na si Maria Gabriela Isler ng Venezuela ang kinoronahang 2013 Miss Universe.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Congressional Medal para kay Ariella, alanganin pa


No comments:

Post a Comment