Saturday, November 16, 2013

22 SEAG bound athletes, susunduin ng PSC sa Tacloban at Leyte

Umalis kahapon ang limang miyembro ng Philippine Sports Commission (PSC) na susuong sa isang napakadelikadong misyon upang sagipin ang kabuuang 22 pambansang atleta na kasalukuyang naiipit sa magulong sitwasyon at mahirap

na kalagayan sa, Tacloban at Leyte.



Bumiyahe kahapon sa ganap na 1:00 ng hapon sina Charlie Esquivel, Elmer Arrela, Ramil Concepcion, Roy Cortel at Dante Villarba para sa 17-oras na biyahe patungong Legaspi City kung saan muli itong sasakay kasama ang PSC coaster sa Roro para sa mahigit limang oras na pagtawid patungo sa Tacloban upang sunduin ang mga naipit na atleta.


“Our team will have to travel by land to fetch our national athletes. Sobrang hirap daw talaga makasakay ng eroplano at hindi din sila makasabay sa C130 dahil sa dami ng mga nakapila at gustong umalis na sa lugar,” sinabi ni PSC Executive

Director Atty. Guillermo Iroy Jr.


Ang mga susunduing atleta ay mula naman sa boxing na nasa lugar ng Maasin, ilang miyembro ng athletics na nasa magkakahiwalay na lugar sa Leyte at gayundin ang mga miyembro ng karatekas at wushu.


Sinabi ni Iroy na patuloy pa rin nitong minomonitor ang iba pang pambansang atleta at maging opisyal ng mga NSA na naapektuhan ng super typhoon ‘Yolanda’.


Matatandaan na dapat sanang isagawa sa rehiyon ng Visayas ang national championships ng 2013 Batang Pinoy ngayong Nobyembre 19 hanggang 23 sa Bacolod City subalit ipinagpaliban ng PSC dahil sa kahirapang hinaharap ng ilang probinsiya, partikular sa Palo, Leyte.


Mayroong 151 medalist mula sa Leyte ang nakuwalipika para sa kampeonato at mayroon namang 98 na mula sa Maasin. Kabuuang 177 naman ang mula sa Cebu, hindi pa kasama ang Dancesports, kaya mahigit na 400 mula sa 2,000 kalahok ang naapektuhan sa pagdaan ng bagyo. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



22 SEAG bound athletes, susunduin ng PSC sa Tacloban at Leyte


No comments:

Post a Comment