Monday, November 11, 2013

Computer shop na nagpapalabas ng porn, sinalakay; 3 arestado

Ni Orly L. Barcala


Tatlong katao, kabilang ang isang babae, ang nadakip makaraang salakayin ng mga pulis ang isang computer shop na nagpalalabas ng malalaswang panoorin at mga menor de edad ang kadalasang kostumer sa Caloocan City, noong Linggo ng gabi.



Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 (Cyber Crime Prevention Act of 2012) ang mga naaresto na sina Gemmalyn Atabay, 27; Donald Perez, 33; at Nicolas Edulan, 27, pawang residente ng Barracks 2 sa Barangay 186, Caloocan City.


Ayon sa report, nakatanggap ng text message si Chief Insp. Leoben T. Ong, hepe ng Caloocan City Police-Sub-Station 4, hinggil sa pornographic business ng tatlong suspek.


Nakasaad pa sa text message na karamihan ng pumapasok sa internet shop ng mga suspek ay pawang pawang

menor de edad.


Dakong 10:00 ng gabi nang ikinasa ni Ong ang entrapment operation, kasama si Rolando Aran, chairman ng Bgy. 186.


Isa sa mga barangay tanod ang nagkunwaring kostumer sa internet shop at nanood ng porn.


Matapos ang hudyat, pinasok na ng grupo ni Ong ang bahay nina Atabay na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.


Nasamsam sa mga suspek ang tatlong computer unit, monitor at iba pang computer accessories.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Computer shop na nagpapalabas ng porn, sinalakay; 3 arestado


No comments:

Post a Comment