Monday, November 11, 2013

Klase sa Bohol, Bacolod at Davao suspendido na

MULING sinuspinde ang mga klase sa buong Bohol province at Bacolod City sa Negros Occidental maging sa Davao City dahil sa banta ng bagyong Zoraida na nag-landfall na kaninang alas-9 ng umaga.


Sa Bohol, sinabi ni Governor Edgar Chatto na kanselado na ang klase mula sa preschool hanggang high school sa private at public schools.


Kaninang 5 ng umaga ay inilagay sa Signal no. 1 ang Bohol sa bagyong Zoraida.


Kahapon naman nang ikansela ang klase para sa araw na ito sa Jagna town gayundin sa Davao City.


Mismong si Mayor Rodrigo Duterte ang nagdeklara ng class suspension.


Sa Bacolod City naman ay sinuspinde na rin ang klase sa preschool at elementary.


Samantala, umabot naman sa 29 bayan sa Visayas at Mindanao ang isinailalim na sa Signal No. 1 dahil sa banta ng bagyong Yolanda.


The post Klase sa Bohol, Bacolod at Davao suspendido na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Klase sa Bohol, Bacolod at Davao suspendido na


No comments:

Post a Comment