Wednesday, November 6, 2013

Coed, nakaligtas sa rapist

Nabigo ang isang delivery boy na mailugso ang puri ng magandang coed, makaraang makalabas ng bahay ang dalaga at makahingi ng tulong sa mga kapitbahay na naging dahilan ng pagkakagulpi ng salarin sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.



Maga na ang mukha at bugbog ang katawan ay nahaharap pa sa kasong attempted rape si Ian Gemela, 23, naninirahan sa PNP Dormitory, Barangay 5, Sangandaan ng nasabing lungsod.


Kuwento ng 18-anyos, na biktimang itinago sa pangalang “Yolly,” kay SPO1 Marikaye Daquioag, supervisor ng Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan Police Station, bandang 11:00 ng tanghali, naliligo siya sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay nang bigla umanong pumasok si Gemela na nagkunwaring magde-deliver ng tubig sa bahay ng dalaga.


Matapos mabatid na walang kasama sa bahay si Yolly, dali-dali nitong pinasok ang dalaga,


Hinatak ni Gelema ang suot na T-shirt ng dalaga at tinangkang hubarin nito ang suot na short pants pero nanlaban ang huli hanggang sa makalabas ng bahay at makahingi ng tulong sa mga kapitbahay.


Sumugod ang mga kapitbahay ni Laila at ginulpi ng mga ito ang suspek. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Coed, nakaligtas sa rapist


No comments:

Post a Comment