Wednesday, November 6, 2013

OMB, MTRCB, aagapay sa pagpapakalat ng project DINA ng NDRRMC

AAGAPAY ang Optical Media Board (OMB) at Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagpapakalat ng project DINA (Disaster Information for Nationwide Awareness) isang audio visual presentation ng iba’t ibang uri ng kalamidad at kung paano maliligtasan ang mga ito.


Ayon kay Ronnie Rickets, Chairman ng OMB, handa silang tumulong sa reproduction ng audio visual presentation para maipamahagi ito sa mga mamamayan lalo na sa mga nasa mga mapanganib na lugar.


Bagamat libre itong makukuha sa website ng NDRRMC, hindi naman anya lahat ng kabahayan ay mayroong internet.


Samantala sa panig ng MTRCB, binigyan nila ng general patronage ang audio visual presentation at handa silang tumulong para maipalabas ito sa mga sinehan, at sa mga bus na biyaheng probinsya.


Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, umabot sa P1M ang ginastos nila sa pagbuo ng project DINA.


Gayunman, kasama nila rito ang Ube Media Production na gumastos ng P400,000 at P400,000 naman sa NDRRMC.


The post OMB, MTRCB, aagapay sa pagpapakalat ng project DINA ng NDRRMC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



OMB, MTRCB, aagapay sa pagpapakalat ng project DINA ng NDRRMC


No comments:

Post a Comment