Sunday, November 17, 2013

China magpapadala na rin ng ayuda sa Pinas

IBINASURA muna ang territorial dispute ng dalawang bansa upang maisulong ang pagtutulungan sa panahon ng kalamidad.


Ito’y dahil handa nang magpadala ng medical at rescue teams ang China sa kabila ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.


Ito ay matapos ulanin ng batikos ang China mula sa international community dahil sa kakarampot na tulong na ibinigay sa mga nasalanta ng kalamidad sa Central Visayas na nagkakahalaga ng $100,000 o P1.6M.


Ayon ay Hong Lei, Foreign Ministry spokesman ng China, gagawin nila ang hakbang upang tumulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.


Nagpahayag din ng pagtulong ang Chinese Red Cross gayundin ang iba pang pribadong grupo para sa relief operations.


The post China magpapadala na rin ng ayuda sa Pinas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



China magpapadala na rin ng ayuda sa Pinas


No comments:

Post a Comment