Sunday, November 17, 2013

Bills para sa ‘Yolanda victims’ una sa Kamara

PRAYORIDAD ng Kamara ang iba’t ibang panukala para sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.


Ngayong hapon ay muling magre-resume ang sesyon at uunahin ng mga kongresista sa pagtalakay ang resolusyon at panukalang naihain para sa pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda.


Kinumpirma ni House Speaker Feliciano Belmonte na wala silang sasayanging panahon para agad mapagtibay ang kailangang hakbang para matulungan ang mga biktima.


Kabilang sa mga naihain ng mga lider ng Kamara matapos ang hagupit ng bagyong Yolanda ang House Resolution 446 na para sa one-time donation na tig-P10,000 ng bawat isa sa 292 na kongresista.


Maging ang House Joint Resolution 07 na nagbibigay ng awtorisasyon para sa paglilipat sa calamity fund ng natitirang halos P12 bilyon na pork barrel ng mga kongresista ngayong 2013.


Ang independent minority bloc naman sa pangunguna ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ay may hiwalay na panukala para sa pagtatag ng Visayas Rehabilitation Commission na kailangang mapondohan ng P25 bilyon.


Kasabay nito ay inihain naman ni Cagayan de oro Repo. Rufus Rodriguez ang panukalang pagbuo ng emergency rice reserve para sa panahon ng kalamidad.


Ito ay para matiyak na hindi magkukulang ng suplay ng bigas tuwing may kalamidad na nakapaloob sa House Bill 2531.


Base sa panukala, ang National Food Authority ang tutukoy ng lokasyon at distribusyon ng emergency stocks ng bigas sa ibat ibang panig ng Pilipinas.


Papayagan din lamang ang NFA na mag-angkat ng bigas kapag umiiral ang abnormal conditions sa bansa.


The post Bills para sa ‘Yolanda victims’ una sa Kamara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bills para sa ‘Yolanda victims’ una sa Kamara


No comments:

Post a Comment