Thursday, November 14, 2013

Calamity fund dodoblehin— Drilon

Isusulong ni Senate President Franklin Drilon ang pagtaas ng calamity fund sa 2014 national budget sa pagbukas ng Kongreso sa Lunes.


Ayon kay Drilon, igigiit niya na ang P15 billion budget o doble sa kasalukuyang na P7.5 billion ngayong 2013 at para matiyak na maayos ang pagpapatupad nito, at magbuuo din sila ng Calamity Assistance and Rehabilitation Effort (CARE).



“The 2014 national budget must provide for funds badly needed by our countrymen, who suffered the misfortunes brought about by the series of massive natural and manmade disasters,” ayon kay Drilon,


Aniya, sa ngayon ang nakikita pa lamang ay ang mga buhay na nawala at ang mga infrastraktura na nasalanta at wala pa ang rehabilitasyon na kailangan ng malaking pondo.


Nauna ng sinabi ni Sen. Francis Escudero,, chairman ng Senate Finance Committee na dapat magkaroon ng hiwalay na pondo mula sa panukalang P2.268 trilyon para naman ilagay sa kanyang panukalang magkaroon ng Visayas Rehabilitation Fund (VRF).


“I proposed the creation of a Calamity Assistance and Rehabilitation Effort, or ‘CARE’ Fund to be used exclusively for the construction of housing units, repair and rehabilitation of irrigation systems, school buildings, power infrastructures, hospitals, and public infrastructure such as roads, bridges, and government buildings,” paliwanag ni Drilon.


Gagamitin ang P15 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga biktima ng bagyong “Santi,” “Labuyo” at “Yolanda” at ang 7.2 lindol na pawang tumama sa Visayas, at sa kaguluhan naman sa Zamboanga City. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Calamity fund dodoblehin— Drilon


No comments:

Post a Comment