Thursday, November 14, 2013

Kita ng concert ni Yeng, Thor at Erik, mapupunta sa Yolanda victims

SA entertainment industry ay kanya-kanyang pamamaraan ang mga personalidad sa pagtulong sa ating mga kababayan na biktima ng kalamidad.


YENG Constantino May nagbenta ng gamit, may nagbigay ng pera, at ang ibang may naka-schedule na concert ay didiretso sa Yolanda victims ang proceeds, tulad ni Yeng Constantino na nakatakdang magtanghal sa Nobyembre 30 ng Plugged-in: Yeng Constantino Birthday Concert sa Samsung Hall, SM Aura Global City, Taguig Citya.



Ayon sa producer ni Yeng (Cornerstone Concerts katuwang ang Academy of Rock Singapore with major sponsors Crossover Events at Leonard Paris), bukod sa Right Start Foundation, ang mapagbebentahan ng tickets sa SM Ticketnet at Ticketworld ay didiretso sa Yolanda victims.


Ang bahagi ng kita ng nakaraang InTENse concert ni Erik Santos sa PICe ibibigay din sa Yolanda victims na ang initial beneficiary ay ang Bosom Buddies.


Maging ang The Voice runner-up na si Thor na magkakaroon din ng show sa December 3 na may titulong Thor Live sa Music Museum ay mapupunta rin sa Yolanda victims ang proceeds.


Samantala, kararating lang ni Yeng at ng manager niyang si Erickson Raymundo mula sa Singapore noong Miyerkules ng gabi para sa promo ng kantang inirecord ng Pinay singer kasama ang Singaporean artist na si Shseik HaikeL Pero kahit nasa labas ng bansa ay talagang naka-monitor sila sa bawat nangyayari sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.


May post si Erickson sa kanyang Facebook account na may kabagalan ang distribution ng relief goods sa Visayas pero mas nakalulungkot na may mga nagsisisihan pa.


“Let’s speak blessings to our leaders. I’m disappointed and frustrated too in some ways and I have expressed my hopes in my previous posts but I also believe they are doing their best to deal with the situation. Their best may not be sufficient but thank God for the foreign aid, private sectors, relief agencies, and volunteers! Attacking our government now will not help but extending help now will make a difference. Let’s do all the criticisms when the relief & rescue operation is over, Just my opinion. May God give our leaders divine wisdom and may He touch more people to give.” -Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kita ng concert ni Yeng, Thor at Erik, mapupunta sa Yolanda victims


No comments:

Post a Comment