Sunday, November 17, 2013

2 Indian niratrat sa Davao del Norte

PINATIMBUWANG ng kilabot na motorcycle-in-tandem ang dalawang Indian national sa Davao del Norte.


Patay sa tama ng kalibre 45 sa kanilang ulo ang mga biktimang sina Bhinder Singh, 52, at Agraj Singh, 45, kapwa may lending business.


Sugatan naman ang isa sa mga suspek na hawak na ng pulisya habang ang isa naman na sinasabing isang sundalo ay tinutugis na para panagutin sa krimen.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-8 kaninang umaga sa Bougainvillea, Barangay Poblacion.


Bago ito, naglalakad ang mga biktima sa lugar nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan sa motorsiklo.


Nakipagpalitan din ng putok ng baril ang mga suspek sa mga pulis na nagmemeryenda ng mga oras na iyon pero nakaganti ng putok at tinamaan ang isa sa kanila.


The post 2 Indian niratrat sa Davao del Norte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Indian niratrat sa Davao del Norte


No comments:

Post a Comment