Friday, November 8, 2013

Report: 56 patay kay Yolanda sa Leyte

SINASABING umaabot na sa 56 katao ang naitatalang namatay sa hambalos ng supertyphoon Yolanda sa Leyte kahapon.


Ayon sa report, 53 katao ang unang naitalang namatay sa Tacloban City at ang iba pa ay galing naman sa Palo, Leyte.


Sa Tacloban City, naanod sa coastal area ang 11 katao na kinabibilangan ng isang bata.


Samantala sa Palo, Leyte ay nakalinya ang mga bangkay ng tao sa kalye.


Sinasabing 10 katao ang naabutang patay sa isang eskuwelahan sa Palo habang 12 naman sa isang simbahan malapit sa Tacloban.


May 20 katao rin ang naitalang namatay nang anurin sa isang pier sa nasabi pa ring lalawigan.


Isa sa problema ngayon sa Leyte ang kawalan ng mga punerarya na nasira at naanod din ng supertyphoon Yolanda.


The post Report: 56 patay kay Yolanda sa Leyte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Report: 56 patay kay Yolanda sa Leyte


No comments:

Post a Comment