Monday, November 11, 2013

‘Angustia,’ premiere night ngayon

MARIA Isabel Lopez


Ni Ador Saluta


ALAS siyete y medya ngayong gabi ang Manila premier ng Angustia, ang unang indie movie ng Bicolano poet at Ateneo de Naga University professor na si Kristian Cordero.


Pinangungunahan nina Alex Vincent Medina at Maria Isabel Lopez ang Angustia na tumatalakay sa takbo ng pamumuhay sa Bicol noong huling bahagi ng 1800s, tungkol sa secular priest na si Don Victorino Hernandez na nanggaling ng Manila na masidhi ang dedikasyon sa botany at sa conversion ng mga katutubo lalo na ng mga Agta, na sa kabila ng pagsisikap ng kolonyalistang Espanya ay patuloy na naninirahan sa mga bundok.



Habang abala sa conversion sa mga katutubo, nabigyan si Don Hernandez ng pagkakataon na mapag-aralan ang mayamang pananim sa parokya na kanyang nadatnan sa Bicol. Nakilala niya ang magkasintahang Agta na sina Dunag at Sikaw at ganoon din si Guada, isang dating balyana o pre-colonial priestess. Tumakas si Dunag na maikasal kay Sikaw sa pamamaraan ng kanilang tribo at nagkanlong sa simbahan.


Sa tulong ni Guada, na patuloy na tumatalima sa sinaunang paniniwala, ay nabinyagan sa pananampalatayang Katoliko si Dunag, na tinulungan naman si Sikaw upang yakapin ang bagong paniniwala. Nagpasiyang magpakasal ang magkasintahan nang labag sa kagustuhan ni Don Hernandez.


Ang pagpapakasal nila ay naging dahilan ng maraming pagbabago sa asal ng pari na kalaunan ay itinalaga ng mga nakatataas sa mas maliit na misyon. Naging banta sa pananampalataya at katinuan ni Don Hernandez ang folk healer na si Natividad na nagsasabing napapanaginipan si Virgin Mary.


Bicol Naga at Bicol Rinconada ang ginamit na wika sa Angustia.


“As my way of popularizing our local languages, I have put up this Cine Rinconada productions to further our interest as artists from Rinconada, of course it is not limited to Rinconada, as I would also like to engage in a wider Bikol and Filipino discourses,” pahayag ng filmmaker na si Kristian Cordero.


“Alex Medina, played the role of Don Hernandez and Maria Isabel Lopez is Natividad, the local priestess. Other local actors who played major roles are college professors Jazmin Llana of Baao (Guada) and Vic Loquias played the role of male Agta. For Dunag, we have the very promising local talent, Mitch Smith, an Ateneo de Naga University graduate. Other local actors who played supporting roles are Frank Penones, Jr., Carmel Padilla, Tess Consulta, Lou Nieva, Johnny Escandor, Michael Coroza and Bu Almoneda.”


Kinunan ang buong pelikula sa mga bayan ng San Jose, Partido, Buhi, Baao at Nabua, Camarines Sur.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Angustia,’ premiere night ngayon


No comments:

Post a Comment