Tuesday, November 26, 2013

Angana, idinagdag sa Team Philippines

Napasama ang freestyle wrestler na si Joseph Angana sa tatlong wushu at muay athletes sa pambansang delegasyon upang sumabak sa 27th Myanmar Southeast Asian Games na gaganapin sa main hub na Naypyidaw simula sa Disyembre 11 hanggang 22.



Si Angana ay bahagi ng anim kataong Philippine wrestling team na nagtapos ng kanilang training sa Iran. Si Angana ay nakababatang kapatid ni 2-time SEA Games multiple medalist Margarito Jr. Ang nakababatang Angana ay nakakuha ng silya matapos ang impresibong paglalaro sa ilang lokal na torneo sa Iran.


Dahil sa pagkakadagdag ni Angana, umangat sa kabuuang 210 ang bilang ng atleta na ipiprisinta sa Chef de Mission meeting sa Disyembre 5. Ipadadala ng Pilipinas ang 78 officials, 19 support staff at 15 medical personnel.


Ang tatlong wushu bets na kalahok sa duilian ay sina Kariza Kriz Chan, Natasha Enriquez habang si Divine Wally ay sasabak naman sa sanda’s 48-kilogaram division. Nasa hanay naman ng muay athletes sina Philip Delarmino, Preciosa Ocaya at Jonathan Polosan.


Sina Chan at Enriquez ay posibleng humablot ng ginto sa duilian, na isang taolu event na “form of sparring” na wala o merong sandata, matapos na tumapos na ikalima, sa likuran gold medal winner na Ukraine, naghati sa pilak na Hong Kong at Macau, at ikaapat ang Iran sa nakaraang 12th World Wushu Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Isasagawa naman ang send-off party na ioorganisa ng POC at PSC sa Nobyembre 27 sa PhilSports Arena habang ang unang grupo ng mga atleta ay magtutungo sa Myanmar sa Disyembre 3.


Matatandaan na ang Pilipinas ay tumapos na ikaanim na puwesto noong 2011 SEA Games sa Indonesia kung saan iniuwi nila ang kabuuang 167 medalya o 36 ginto, 56 pilak at 77 tanso. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Angana, idinagdag sa Team Philippines


No comments:

Post a Comment