Monday, November 11, 2013

Ama, inihagis sa ilog ang 2 anak bago nagpakalunod

LINGAYEN, Pangasinan – Kapansin-pansin ang pagdami ng kaso ng pagpapakamatay sa Pangasinan, at sa huling insidente, isang ama ang sa ilog kasunod ng dalawa niyang anak na edad 10 at 12 ang tumalon din mula sa tulay sa Barangay Baay sa Lingayen, Pangasinan.



Pinaniniwalaang hindi na nakatiis si Efren Sison, 43, sa dinadala niyang problema kaya naisipang tapusin ang buhay niya at isinama sa pagpapatiwakal ang mga anak na sina Dranreb, 12; at Dave, 10, ng Bgy. Maniboc, Lingayen.


Batay sa nakalap na report, nagmamaneho si Efren ng kanyang tricycle kasama ang dalawang anak nang maisipan niyang ibangga ang sasakyan sa isang van ngunit nakaiwas ang huli.


Sa halip, isang tricycle ang nakabangga sa kanila at nagtamo ng sugat ang mag-aama, pero tinanggihan ni Efren ang alok ng ilang concerned citizen na dalhin sila sa ospital para magamot.


Pinaharurot umano ni Efren ang tricycle, tumigil sa tulay sa Bgy. Baay, isa-isang binitbit at inihagis sa ilog ang mga anak bago siya naman ang tumalon sa tulay, bandang 11:00 ng umaga noong Linggo.


Dakong 2:00 na ng hapon nang marekober ang bangkay ng mag-aama.


Tulala naman at hindi makapaniwala sa nangyari ang misis ni Efren. – Liezle Basa Iñigo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ama, inihagis sa ilog ang 2 anak bago nagpakalunod


No comments:

Post a Comment