Saturday, November 9, 2013

15 OFW arestado sa Saudi crackdown

Labinlimang overseas Filipino worker (OFW) ang arestado ng Saudi authorities sa crackdown na inilunsad noong Nobyember 4 sa iba’t ibang lugar sa Saudi Arabia.


Iniulat ng Migrante-Middle East and North Africa (M-MENA) na dinakip ang 15-OFW sa ika-anim na araw ng crackdown sa mga illegal migrant.



Sa ulat ni M-MENA coordinator John Leonard Monterona, siyam OFW ang dinakip sa Riyadh habang anim ang dinakip sa Jeddah.


“The 9 undocumented OFWs were nabbed along the 376 illegal migrants that were apprehended by Saudi authorities during separate raids in Manfouha and Haraj districts on November 5 and 6, respectively,” pahayag ni Monterona.


Nabatid na hiniling ni Monterona sa Philippine Embassy at mga consulate office sa Saudi Arabia na kaagad magsagawa ng jail visitation upang malaman ang kondisyon ng mga OFW at para sila matulungan na mapauwi sa bansa.


Sinabi ni Monterona, kapag nadakip ang undocumented migrant, pinapatawan ito ng anim hanggang isang taong pagkakakulong at pagbabayad ng halagang mula 12,000 hanggang 20,000 Saudi Arabia rial na kahalintulad ng P139,000 hanggang P230,000 depende sa tagal ng illegal na pamamalagi nito sa naturang bansa.


Ayon sa Department of Foreign Affairs(DFA) may 5,000 undocumented OFW na repatriated simula noong Nobyember 6 at may 1,600 pa ang naghihintay ng repatriation habang ipinoproseso pa ang papeles sa Saudi labor offices.


Noong kalagitnaan ng Abril, sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE) na may 10,000 hanggang 12,000 undocumented OFW sa Saudi Arabia habang ang Commission on Overseas Filipinos ay nagsabing may 100,000 undocumented OFW sa oil-rich Kingdom. – Nannet Valle


.. Continue: Balita.net.ph (source)



15 OFW arestado sa Saudi crackdown


No comments:

Post a Comment