Tuesday, November 19, 2013

40 condemned building sa Maynila ipinadedemolis

NANAWAGAN ang isang opisyal ng City Building ng Maynila sa mga may-ari ng mga condemned building na ipagiba na ang kanilang mga gusali bago pa makaranas ng malakas na paglindol o pagbagyo gaya ng super typhoon Yolanda.


Ani Engr. John Capuchino, chief, Manilla Building Office na maaaring makalikha ng mas malaking panganib sa publiko ang mga idineklarang condemned building sa lungsod kung hindi agarang ipagiba ng mga may-ari.


Aniya, dapat unahin ang kapakanan ng buhay ng isang tao, kaysa mga ari-arian na maaari namang palitan sa hinaharap.


Sa kanilang talaan, aabot sa 40 gusali na ang idineklarang condemned ng Manila City Buildings sa iba’t ibang lugar sa lungsod, kabilang na ang Philippine Veterans Bank sa Port Area, BF Building sa Intramuros at iba pa.


Aniya, gustuhin man nilang idemolis ang mga ito, walang kapangyarihan ang city hall na magdemolis ng mga pribadong gusali kahit pa idineklara nila itong condemned.


Tiniyak naman ni Engr. Capuchino na garantisadong matibay at ligtas ang mga itinatayong gusali sa Maynila dahil sa masusing iniinspeksyon ng city hall ang mga ginagamit sa konstruktura.


Kaugnay nito, upang maiwasan ang karaniwang pagbaha sa bisinidad ng Manila City hall, isang malaking drainage na magkokonekta patungo sa Pasig river ang isasagawa ng City Engineer Office (CEO).


The post 40 condemned building sa Maynila ipinadedemolis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



40 condemned building sa Maynila ipinadedemolis


No comments:

Post a Comment