Tuesday, November 19, 2013

Toyota Innova kinarnap sa Quezon City Hall

KINARNAP ang service vehicle ng isang barangay sa Novaliches, Quezon City matapos tangayin sa parking lot ng Quezon City Hall sa Quezon City kaninang umaga, Nobyembre 19, 2013.


Ayon sa ulat ng Quezon City Police District City Hall Detachment, tinangay ng mga karnaper ang isang Toyota Innova (SKM-707) service vehicle ng Barangay Kaligayahan, Novaliches, QC sa parking area ng Quezon City Hall alas-9:5 5 ng umaga.


Sa ulat, ipinarada ng isang Rolando Gonzales, driver ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches ang minamaneho niyang Toyota Innova sa parking gate ng QC Hall sa gate 3 matapos iparada sa naturang parke.


Kasama ng complainant ang mga kasamahang sina Gaa Basilio, Luzviminda Torres Serrano, Marvin Gallenero matapos ihatid ang mga kasamahan sa Barangay Operation Center ng Quezon City.


Pagbalik ng complainant ay wala na ang sasakyan sa parking lot na agad naman niyang ipinagbigay alam sa mga pulis.


The post Toyota Innova kinarnap sa Quezon City Hall appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Toyota Innova kinarnap sa Quezon City Hall


No comments:

Post a Comment