Tuesday, November 19, 2013

Barangay chairman-elect, misis, dinukot sa Basilan

Ni Fer Taboy


Isang panibagong pagdukot ang nangyari sa Mindanao matapos sapilitang tangayin ng mga armadong lalaki ang isang bagong halal na barangay chairman at misis nito sa Lantawan, Basilan, iniulat kahapon.


Kinilala ng Lantawan Police ang mga biktimang sina Pilardo Roxas Francisco, chairman ng Barangay Landugan; at Saharina Salvador Francisco.



Isinalaysay ng pulisya ng anak ng mag-asawa na si Jhayco Salvador Francisco na papunta sa Maluso, Basilan ang kanyang mga magulang nang harangin ng may walong armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf, na pawang nakasuot ng camouflage uniform at pakaladkad na isinakay sa pumpboat ang mga biktima.


Sinabi ni PO2 Jackaria Muin na hindi pa malinaw ang tunay na motibo sa pagdukot sa mag-asawa habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.


Isa sa tinitingnang anggulo ng awtoridad sa pagdukot ang katatapos na barangay elections noong nakaraang buwan.


Wala pang tawag na natatanggap mula sa Abu Sayyaf ang pamilya Francisco habang sinusulat ang balitang ito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Barangay chairman-elect, misis, dinukot sa Basilan


No comments:

Post a Comment