Friday, November 8, 2013

8 senador hindi na tatanggap ng pork barrel

SUMIRIT pa ang bilang ng mga senador na nagsasabing ipatatanggal na nila sa 2014 national budget ang kanilang pork barrel funds.


Ayon kay Senador Francis Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance, umaabot na sa walong senador ang nagsumite ng kani-kanilang petition paper na pawang nagsasabi na ipabubura ang kanilang pork barrel allocations sa susunod na taon.


Pinakahuli sa mga nag-abiso ay sina Senador Grace Poe, Koko Pimentel, Loren Legarda at Tito Sotto.


Sa Lunes, Nobyembre 11 ang itinakdang deadline sa mga senador para magsumite ng petition paper para sa kanilang pork barrel fund sa 2014.


The post 8 senador hindi na tatanggap ng pork barrel appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



8 senador hindi na tatanggap ng pork barrel


No comments:

Post a Comment