Sunday, November 10, 2013

AMNESIA QUEEN

MAY bagong titulo ngayon si Ms. Janet Lim-Napoles: “Amnesia Queen.” So, bukod sa pagiging “Reyna ng Pork Barrel

Scam”, nagtamo si JLN ng bagong korona matapos ang pagdinig sa Senado noong Huwebes, na tumagal halos ng anim na oras. Kapunapuna na kayraming naiimbentong salita kapag may mga pagdinig sa Senado; kung minsan ay mga bokabularyong tulad ng “Tongpats”, “May 200 ka rito Sec.”, atbp. Noon namang nakaraang eleksiyon, may tinaguriang “Tatlong Hari” ang UNA (United Nationalist Alliance), at sa pagsabog ng eskandalo sa pork barrel, nagkaroon ng reyna.


Walang nahita ang mga senador na nais makakuha ng vital informations mula sa “Reyna” tungkol sa P10-billion pork barrel scam na kinasasangkutan diumano ng ilang senador at kongresista. Hindi ba ganito rin noon sa multi-milyong pisong fertilizer scam nang isalang si ex-Usec Secretary Joc-Joc Bolante? Wala ring napiga ang mga senador mula kay Joc-Joc na dakong huli ay kumandidato pa sa pagka-governor sa isang probinsiya sa Visayas. Gayunman, lubhang nakapagtataka na ang kanyang Pangulo, si ex-PGMA, ay siya ngayong nakakulong dahil sa kasong plunder!


Sa pagiging “Reyna ng Amnesia” o Pagkamalilimutin, narito ang mga sagot ni JLN sa mga senador, kabilang ang Tigre ng Senado, sa ginanap na pagdinig: “Hindi ko po alam”. “Hindi ko matandaan”. “I invoke my right against self-incrimination.” “Wala po.” “Hindi ko maalala.” “May kaso na ho sa Ombudsman.” “May kaso na sa BIR”. Anak ng tupa sa disyerto ng Saudi Arabia, anong mga sagot ito? Iiling-iling lang si Benhur Luy.


Nang tanungin ng Tigre, este ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, kung kilala niya kung sino sina Tanda, Pogi at Sexy na tumanggap ng 50 porsiyentong hati sa pork barrel, ang tugon ng Reyna: “’Di ko po kilala.” Sa nasabing pagdinig, dinurog at dinikdik ni Sen. Miriam si Sen. Juan Ponce Enrile na matindi niyang kagalit at pinayuhan si JLN na magsabi na ng katotohanan dahil posible siyang ipapatay ng mga akusado.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



AMNESIA QUEEN


No comments:

Post a Comment