Monday, November 25, 2013

2 Metrolink bus magkasunod na hinoldap

MAGKASUNOD na hinoldap ang dalawang Metrolink bus units sa Quezon City nitong Lunes ng gabi at Martes ng madaling-araw, Nobyembre 27.


Sinabi ng pulisya na apat na hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang sumakay sa isang Baclaran-bound Malanday Metrolink bus at nagdeklara ng holdap sa EDSA-Kamuning pasado alas-10:25 p.m. Nakulimbat ng mga suspect ang cellphones at wallets mula sa 13 pasahero.


Kabilang sa mga nabiktima ay ang Radio dzMM researcher na si Ramil Simbajon, na nag-report ng insidente sa Quezon City Police District Station 10 sa Kamuning.


Wala namang nasaktan sa mga pasahero at maging sa bus driver at konduktor.


Ang pangalawang panghoholdap na ang sangkot ulit ay isang Malanday Metrolink bus na patungong Valenzuela, ay naganap alas-2 a.m.


Ayon sa bus conductor na si Warren Hernandez, apat din na armadong kalalakihan ang sumakay sa North EDSA at nagdeklara ng panghoholdap sa EDSA-Muñoz.


May 6 naman na mga pasahero ang nawalan ng mga kagamitan. Kinuha rin ng mga suspect kay Hernandez ang kinita ng nasabing bus na P3,000.


Ang pangalawang bus ay nabangga naman ng isang taxi habang nakaparada sa madilim na bahagi ng EDSA-Balintawak kasunod ng panghoholdap.


Inaalam pa ng QCPD kung ang magkasunod na panghoholdap ay ikinasa ng parehong mga suspect.


Samantala, aminado naman si QCPD chief Sr. Supt. Richard Albano na kulang sila sa mga tauhan para tiyakin ang kaligtasan ng mga commuters lalo na sa alanganing mga oras.


The post 2 Metrolink bus magkasunod na hinoldap appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Metrolink bus magkasunod na hinoldap


No comments:

Post a Comment