Monday, November 25, 2013

Army official na survivor ng bagyong ‘Yolanda’, na-promote

Nagbunga ang pagiging masigasig at tapat sa tawag ng tungkulin nang ma-promote sa ranggong major general si Brig. Gen. Jet Belarmino, 8th Infantry Division commander, hepe ng Task Force Yolanda chief at isa sa mga survivor ng super bagyo sa Tacloban City, Leyte.



Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Noel Coballes ang donning of rank kay Belarmino bilang major general bilang pagkilala sa ipinamalas niyang katatagan bilang commander ng 8th Infantry Division, na saklaw ang Leyte at Samar, sa kasagsagan ng bagyong Yolanda.


Sinabi ni Coballes na ang promotion ni Belarmino ay akma at karapat-dapat dahil napangasiwaan nito nang maayos ang sitwasyon sa lugar, partikular ang relief efforts ng militar kasama ang mga local, national at international humanitarian organizations.


“His effort to help the people in Eastern Visayas is not only because it’s part of his calling as the Commander of the Army in the region, but also comes from the heart, as he himself was a survivor of Typhoon Yolanda’s onslaught,” sabi ni Coballes.


Halos maluha si Belarmino habang ikinakabit sa kanya ni Coballes ang two-star rank sa kanyang shoulder board sa simpleng seremonya sa Punong Himpilan ng 8th ID sa Tacloban City.


Kasabay nito, nilibot ni Coballes ang Tacloban City upang personal na makita ang lawak ng pinsala ng bagyo sa Eastern Visayas at purihin ang mga sundalong tumutulong sa relief, recovery at rehabilitation operation.


Binisita rin ni Coballes ang bayan ng Tolosa upang alamin ang sitwasyon at pinsala sa mga pasilidad ng Philippine Army roon. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Army official na survivor ng bagyong ‘Yolanda’, na-promote


No comments:

Post a Comment