Monday, November 25, 2013

Pagpapaganda sa Binondo plaza, inaapura

Babaguhin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang imahe ng Plaza San Lorenzo Ruiz sa harap ng Binondo Church, na matagal nang nagsisilbing tirahan ng mga palaboy kaya naman nangamatay na ang mga halaman at maging ang ilang-libong-taong gulang nang puno sa parke.



Ayon kay Dennis Lacuna, hepe ng City Planning Office, bago pa ang rehabilitasyon ng parke ay naikonsulta na ito sa mga pari at sa iba pang religious group sa paligid ng Binondo Church o San Lorenzo Ruiz Church.


Sinabi ni Lacuna na nagkaproblema lang sila sa planong ilipat ang San Lorenzo Ruiz—na nasa gitna ng parke—sa harap ng plaza, na tinutulan ng ilang grupong relihiyoso.


Nais ng nasabing grupo na manatili ang maliit na rebulto ni Mama Mary sa harap ng plaza, iginiit na ilang-daang taon na rin ang estatwa.


Labis naman ang pasasalamat ni Manila Mayor Joseph Estrada sa pribadong organisasyon na gagastos para sa rehabilitasyon ng parke.


Limampung porsiyento nang kumpleto ang rehabilitasyon at umaasa ang pamahalaang lungsod na matatapos ito sa susunod na buwan, partikular sa pagsisimula ng Simbang Gabi.


Sinabi pa ni Lacuna na upang mapangalagaan ang parke, nakipag-ugnayan na sila sa pulisya upang magtalaga ng dalawang pulis na 24-oras na magbabantay sa plaza. – Jean Fernando


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagpapaganda sa Binondo plaza, inaapura


No comments:

Post a Comment