Sunday, November 17, 2013

Embalsamador wanted sa E. Visayas

NANANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa mga embalsamador na nais na mag-volunteer at tumulong sa mga foreign experts para sa mas mabilis na pagkilala sa libu-libong katao na namatay dahil sa bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.


Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), may 20 embalsamador ang kanilang kailangan, ngunit nilinaw na hindi mag-eembalsamo ang mga ito.


Aniya, sa halip ay tutulong ang mga volunteer-embalmers sa forensic experts sa tagging, handling at pagkilala sa mga bangkay.


Nabatid na ang mabagal na tagging at pagkilala sa mga bangkay ay bunsod ng kakulangan ng mga taong gagawa nito.


Ang resulta, mabagal din ang disposisyon ng mga bangkay at inirereklamo na ng mga tao ang mabahong amoy ng mga bangkay na nakakalat pa rin sa mga kalsada, ilang araw matapos manalanta ang super typhoon sa malaking bahagi ng Samar at Leyte.


Ayon kay Tayag, ang mga embalsamador na nagnanais na mag-volunteer ay bibigyan ng pamasahe ng DOH at mas mainam aniya kung mula rin sa Eastern Visayas ang mga ito.


Ang mga embalsamador na interesadong maging volunteer ay maaaring kumontak sa DOH Hotline 711-1001 at 711-1002.


The post Embalsamador wanted sa E. Visayas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Embalsamador wanted sa E. Visayas


No comments:

Post a Comment